Josol, Mary Gracielle
Torrijos, Diana
Verjel De Dios, Micah
Ikalawang Semestre 2008-2009
1cpm batch 2008-2009
College of Commerce
I. Panget na Artista? Huwag Lalaitin!
Panukalang Pahayag:
Ang panglabas na anyo ng isang komedyante ay hindi hadlang sa kanyang pagsikat sa showbiz .
Panimula:
Ang pinahahalagahan ng pananaliksik na ito ay ang mga artistang komedyante na hindi gaano kagandahan ang itsura ngunit patok sa pagpapatawa.
Ang pagiging komedyante tulad ng stand-up comedian, komedyante sa mga bar, impersonator comedian at iba pa ay isang mahirap na papel sa showbiz. Hindi madali magpatawa ng manonood. At hindi madali magpasaya ng tao lalo na kung ito ay may mabigat na problema.
May ilang artista din na nagsasabi na mas mahirap mag patawa kesa mag drama. Kaya itong mga komedyanteng ito ay talagang mahalaga at kahanga-hanga dahil kaya nila magpatawa at magpasaya ng tao.
Ngunit sa kabila ng kanilang pagpapatawa ay hindi maiiwasan na sila ay laitin ng mga tao sa kanilang pang-labas na anyo.
Rebyu:
Upang makapagbigay ng sapat na impormasyon ang mga mananaliksik ay naghanap sila ng iba’t ibang artikulo galing sa iba’t ibang sources tulad ng:
Telebisyon.net ito ay isang site kung saan mayroon mga impormasyon tungkol sa mga buhay, chismis at pangyayari sa buhay ng mga celebrity
Philippine Entertainment Portal ang site na may update sa showbiz.
Youtube kung saan pwede panoorin ang mga matagal ng palabas na patungkol sa mga komedyante
Sulit.com isang site kung saan nagbibigay ng magaganda o hindi magagandang reaksyon ang mga tao tungkol sa mga artista
Wikipedia libreng encyclopedia na nagbibigay ng bibliography sa mga sikat na tao.
Layunin:
Layunin ng pananaliksik na ito na makapagambag sa mga pagaaral ukol sa buhay ng mga komedyante hindi kagandahan ang pang labas na anyo, mga karanasan ng mga komedyante habang nagsisimula sa pagaartista at maiparating sa mambabasa ang importansya ng mga komedyante.
Halaga:
Ang halaga ng pananaliksik na ito ay para sa mga gustong maging artistang komedyante ngunit walang lakas na loob dahil sa labas na anyo nila.
Makakatulong ang pananaliksik na ito upang mag bigay inspirasyon sa mga gustong mag artista at komedyante at maging hugot ng lakas ng loob ang mga impormasyon at kwento ng buhay ng piling mga artista.
Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil napatunayan sa pananaliksik na ito na hindi importante ang pang labas na anyo upang maging isang sikat na artista.
Konseptuwal na Balangkas:
Metodololohiya:
Ang mga mananaliksik na ito ay gumamit ng internet, dyaryo, magasins, at youtube upang mabuo ang kanilang pananaliksik.
Saklaw o Delimitasyon:
Daloy ng Pag-aaral:
Ang pangalawang bahagi ay tungkol sa buhay at karanasan ng mga piling artistang komedyante.
Ang huling bahagi ay ang konklusyon nga mga mananaliksik at ang rekomendasyon sa mga mambabasa.
II. Pag-tuunan natin ng Pansin ang Komedya
Bigyan Pansin ang Komedya
Maraming klase ng komedyante, ayon sa Wikipedia may ilang halimbawa ang komedyante tulad ng Stan-up Comedian, Comedians in Bar, Comedians in Televesion or Shows and Comedian in Films.
Pero ano nga ba talaga ang Comedy? Ayon sa Encarta, “a universal form of expression and a major dramatic genre that is intended to amuse. Comedy is associated with humorous behavior, wordplay, pleasurable feeling, release of tension, and laughter. Imbued with a playful spirit, comic entertainment frequently exposes incongruous, ridiculous, or grotesque aspects of human nature. It generally follows a fixed pattern of theatrical surprises that leads to a sense of exhilaration in the spectator. Of all dramatic genres, comedy is the most widely performed”.
Ayon naman sa WikiAnswer ang komedya ay isang nakakatuwang dula.
Nakakatuwa, Saya, Tanggal pagod at kung anu- ano pa. Ngunit anong klaseng mga tao ang gumaganap nito? Wala ba silang problema? Wala ba silang malulungkot na karanasan?
Ayon sa Inquirer.net na Comedian not just for laughs ni Marinel Cruz, na para kay Bayani Agbayani na meron pang ibang mas mahalaga sa buhay niya kesa mag patawa ng manonood. Galing din sa mahirap si Bayani, at dahil doon nagpursigi siya pagiging komedyante kahit noon ay pa-extra extra lang. Sa kanyang pagtitiyaga, siya ay nakilala rin. Sinabi niya na hindi madali maging komedyante dahil marami tao gusto kang laitin at sirain.
“Ang maganda naman sa mundo ng comedy, there’s always a place for you” Sabi ni Jon Santos, isang sikat na komedyante.
Isang malayang trabaho ang pagiging komedyante. Kahit sino ka man, saan ka nanggaling, ano ka pa ay pwede ka maging komedyante.
Lahat may Pag-asa! Tulad nila!
Mga karanasan sa buhay bago magsimulang maging komedyante at diskriminasyon o panlalait na natamo ng mga piling komedyante ang naging daan upang sila ay maging matagumpay.
Pokwang
Napilitan siyang magtrabaho sa Japan para maging entertainer. Doon niya nakilala si Hiyedo ang kanyang una naging kasintahan at hindi nagtagal ay nagkaroon sila ng anak. Ngunit hindi nagtagal ang kanilang relasyon at sila ay naghiwalay. Umiwi si Pokwang kasama ng kanyang anak. Ngunit bumalik rin si Pokwang sa Japan upang magtrabaho at iwan ang kanyang anak sa kanyang ina.
Isang malaking trahedya sa buhay niya ang dumating at na dahilan kaya bumalik siya sa Pilipinas, ito ay dahil namatay ang kanyang anak. Hindi na bumalik sa Japan si Pokwang at nagbakasakali sa Pilipinas.
Nadiskubre si Pokwang nang siya ay sumali sa Clown In a Million (abs-cbn reality comedian show). At doon nagsimula ang karera ni pokwang.
Si Pokwang ay minsan nalait na “aswang” ni Joey De Leon sa kanyang programa sa GMA
Ang Sabi ni Pokwang:
"Masaya siya sa ginagawa niya. Hayaan na lang natin siya," maikling sabi ng komedyana.
Ano ang naging reaksiyon niya nang una niyang malaman ang "mukhang aswang" joke ni Joey?
"Actually, hindi po ako nag-react," sabi ni Pokwang. "Kasi naman, hindi ako marunong mag-computer, e. Hindi ko nga alam lumabas yun sa You Tube-You Tube na 'yan. May nakapagsabi lang sa akin na mga kaibigan sa press.
Matagal ang isyu na ito na pati ang anak na babae ni Pokwang na si Ria Mae ay inaasar na ang nanay niya ay aswang.
At may isa pa, Sa recollection ng anak ni Pokwang ay may nabanggit na ganto sa sermon, “Alam naman natin na ang mga kinukuhang endorser para sa shampoo commercial, yung mga magaganda. Alangan naman ang kunin, e, si Pokwang!” Hindi nabanggit kung alam ng pari kung na nandoon ang anak ni Pokwang. Ngunit dahil dito, pagkabanggit ng ganun sa sermon, ang lahat ay tumingin sa anak ni Pokwang. Ang kawawang bata naman ay napayuko na lamang.
Mas pinili ni Pokwang manahimik at hindi mag reklamo sa mga panlalait na ginawa niya kahit siya ay nasasaktan. Sa kabila ng mga isyu na ito napatunayan pa ni Pokwang na marami nagmamahal sa kanya at handing sumuporta. Ang isyung “Aswang” ay naging daan pa para sumikat at tumagal siya sa kanyang noon show na “Wowowee”
Iba pang Program kasama si Pokwang at Pelikula:
Wowowee
That’s My Doc (2007)
Maalaala Mo Kaya (2004)
Ysabella (2007)
Agent X44 (2007)
D’ Lucky Ones (2006)
Dubai (2005)
D’ Anothers (2005)
Bcuz of You (2004)
Manny Poohkiaw
Hindi naging hadlang ang itsura ni Pooh sa pagpapatawa dahil ito pa nga ang kanyang ginamit upang maging sikat.
Habang siya ay sumisikat bilang isang komedyante ay nakasali siya sa isang show sa ABS-CBN na “1 Versus 100” na ikinapanalo niya nga 2 Million.
Isang malaking swerte sa buhay ni Pooh at sabi niya ay tulong sakanya ni God dahil kahit wala siya masyadong kaalaman ay binigyan siya ng blessing.
Ai Ai delas Alas
Si Martina Aileen de las Alas ay o mas kilalang Ai Ai de las Alas ay may tatlong anak at dating asawang pangalan ay Miguel Vera.
Isang Ina na gustong lumigaya at mabigyan ng marangya na buhay ang kanyang mga anak.
Nag simula siya sa GMA bago sa ABS CBN. Marami na siya naging tanyag na pelikula at isa na dito ang “Tanging ina”
Marami ng nagawang pelikula si Ms. Ai-Ai at at mga pelikulang ito ay napupulutan ng aral.
Isang bagay na nakatulong sa pagsikat ni Ai-Ai ay binansagang siyang “Pambansang Baba ng Pilipinas”. Ito ay hindi niya sinamaan ng loob dahil naging daan ito sa kanyang pagsimula bilang komedyante.
Ilan Programa at naging Pelikula ni Ai-Ai
1. Ruffa and Ai
2. I Love Betty
3. Volta
4. Tanging Ina nyo Lahat
5. Ang Tanging Ina
6. Bituing Walang Ningning
7. Shake Rattle and Roll 2005
8. Ikaw Pa Rin
9. Ang Cute ng Ina mo
Allan K.
Si Allan K o binansagang "Pambansang Ilong ng Pilipinas" ay unang nakita sa Eat Bulaga (isang programa sa GMA NETWORKS) pero bago siya nagsimula dito ay nakikita na siya sa mga bars sa Pilipinas at sa ibang bansa rin.
Sa kanyang show, Si Allan K. ay madalas laitin dahil sa kanyang ilong. Ngunit ito pa ang naging dahilan kung bakit siya ay tanyag hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.
Ibang Programa ni Allan K.
Eat Bulaga
All Star K
Beh! Bote Nga.
Vice Ganda
Ang pagtatago ni Vice Ganda ng kanyang tunay na pagkatao ay naging magandang epekto din ng kanyang pagiging matapang at malakas na tao. Matapang niya naharap ang buhay matapos patayin ang kanyang ama.
Ngayon isang sikat na komedyante si Vice Ganda at may mga regular gigs sa iba't ibang bars sa Maynila.
Si Vice Ganda ay tinatawag ring “Kabayong Kumakanta” dahil sa kanyang tangkad at sa kanyang kakaibang sayaw na parang kabayo. Ngunit dahil dito ay mas sumikat pa siya at nagkaroon ng determinasyon na pumasok sa showbiz dahil mabenta ang kanyang pagiging “Kabayong Kumakanta”
Ilang Shows ni Vice Ganda
Punchline
Metro Bar
Laffline
Maalaala mo Kaya (buhay ni Vice Ganda)
III. Finale
Kritikal na Pagsusuri
Ayon sa nagawang mga pananaliksik, napakaraming komedyanteng artista ang hindi kagandahan ang kanilang itsura ngunit maraming nakakakilala sa kanila, dahil sa kanilang kakaibang talento sa pagpapatawa.
Dahil rin sa kanilang itsura, ay naapektuhan na rin pati ang kanilang personal na buhay. Nakakatanggap ng mga pangungutya mula sa ibang tao. Maging ang kanilang mga kapamilya, halimbawa na ang kanilang mga anak ay naiipit din sa ganitong sitwasyon.
Bagama’t ang mga nasabing komedyante ay nakakaranas ng iba’t ibang klaseng suliranin, hindi pa rin nila nakakalimutan ngumiti at syempre mapangiti ang kanilang mga manonood.
Ang mga komedyanteng ito ay hindi naging hadlang ang kanilang itsura upang abutin nila ang kasikatang nais maasam. Bagkus, ang mga pangungutya ng ibang tao at mga isyu laban sa kanila ay ang kanilang pinaghuhugutan ng lakas upang harapin ang araw – araw nilang pamumuhay.
Sa kabuuan, napagtantuan ng mga tagapagsaliksik na hindi mahalaga ang panlabas na kaanyuhan upang ikaw ay sumikat. Nasa iyo ang pa rin ang desisyon kung ikaw ay magpapadala sa mga taong nasa iyong paligid. Ang mahalaga ay maging proffesional, dedikado at masaya sa iyong napiling larangan.
Konklusyon:
Ayon nakuhang impormasyon ng mga mananaliksik ay ang mga artistang ito ay nagsimula sa hirap. Marahil ito ang nagbigay sa kanila ng lakas ng loob upang pumasok sa Showbiz.
Ang pagiging komedyante ay isang talento na hindi lahat ng tao ay mayroon. Tila isang blessing na binigay ng Maykapal sa mga taong nararapat nito katulad nalang nila Ai-Ai, Pooh, Pokwang, Allan K at Vice Ganda.
Maari din na ayaw nilang ipakita sa mga taong mahal nila ang hirap na dinanas nila kaya magaling sila magpatawa dahil ayaw nila malungkot ang minamahal nila dahilan upang maibahagi ang kasayahang ito sa maraming tao.
Naisip din ng mga mananaliksik na ito na hindi makikita ang bakas ng kahirapan sa kanilang itsura habang sila ay nagpapatawa dahil alam nila ang papel nila sa Showbiz. Hindi sila nagpapadala sa kanilang emotions.
Wala pakialam ang mga taong ito kahit laitin sila dahil ang itsura nila ang naging susi upang sila ay maging matagumpay.
Rekomendasyon:
Dahil nga sila ay komedyante ay nahirapan ang mga mananaliksik na hanapin ang impormasyon tungkol sa kanilang buhay dahil hindi masyado binibigyan pansin ang kanilang nakaraan. Ngunit kung ating titignan at mas lalo pang susuriin ang kanilang naging buhay noon, ay mas maganda ang istorya ng buhay nila at mas madrama. Huwag lang ang maskara ang tignan sa bawat tao dahil sa likod ng maskarang ito ay luha at lungkot ang mamamasid mo. Sana ay mas maraming pang lalabas na artikulo sa dyaryo, magasin at libro tungkol sa mga komedyanteng hindi kagandahan ngunit patok sa pagpapatawa.
Sanggunian:
Erece, Dinno "Bad joke by a priest insulted Pokwang and her Daughter", Philippine entertainment Portal, Februaru, 2009
Bonifacio, Julie. "Pokwang reacts to Joey de Leon Mukhang Aswang Joke", Philippine Entertainment Portal. August, 2008
Cruz, Marinel. "Comedian not just for fun":Inquirer. October, 2008
Youtube Video, KKK. Korina Sanches.
Youtube Video, GMA Eat Bulaga